^

Metro

14-anyos dedo, tatay sugatan sa pamamaril sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi, ha­bang sugatan naman ang kanyang tatay makaraang pagbabarilin ng naka­motorsiklong suspect sa lungsod Quezon iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakilala ang nasawi na si Jayson Valencia,ng Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan. Su­gatan naman ang tatay nitong si Ernesto Valencia, 44, jeepney driver ng nasabi ring lugar.

Inilarawan naman ang isa sa suspect na may taas na 5’7-5’9, mahaba at kulot na buhok, nakasuot ng maong pants at camouflage na jacket, sakay ng Kawasaki motorcycle.

Ayon sa ulat, naga­nap ang insidente sa may Saging Road, Sitio Talanay, Brgy. Batasan Hills sa lungsod ganap na ala-1:30 ng madaling-araw.

Diumano, dumating sa lugar ang mga biktima kasama ang isang Nelson Abiong sakay ng pampasaherong jeepney para magdeliber ng 10 biik sa kanilang buyer.

Habang binubuhat ng mga biktima ang kulu­ngan ng mga biik pababa sa sasakyan ay duma­ting ang suspect sakay ng motorsiklo. At sa hindi mabatid na kadahilanan ay biglang nagbunot ng kalibre 45 baril ang suspect at pinaputukan si Jayson sa likod, habang tinamaan naman sa tagiliran ang tatay nito.

Matapos ang pama­maril ay agad na tumakas ang suspect, habang ang mga biktima naman ay isinugod sa East Ave­nue Medical Center pero idineklarang patay si Jayson.

Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng motibo sa naganap na pamamaril habang patuloy pa rin na sinisiyasat ang insidente.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BRGY

EAST AVE

ERNESTO VALENCIA

JAYSON

JAYSON VALENCIA

MEDICAL CENTER

NELSON ABIONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with