MANILA, Philippines - Siksikan na ang mga bata na may sakit na dengue sa mga pagamutan sa Quezon City partikular sa Quirino Memorial Medical Center.
Sa naturang pagamutan, iniulat kahapon na umaabot na sa 66 na bata ang naka-confine dahil sa sakit na dengue o dalawa hanggang tatlong bata sa isang kama sa ward section ng pagamutan.
Bunsod nito, nangangamba ang pamunuan ng naturang ospital na higit pang dumami ang kaso ng mga batang may sakit na dengue at baka hindi na ma-accomodate ng ospital dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pasyente.
Dahil dito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko tungkol sa pagiging malinis sa paligid para maiwasan ang pagdami ng lamok na may dengue.