^

Metro

Dalaga natusta sa sunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na dalaga ang nasawi matapos itong makasamang malitson sa na­sunog nilang bahay kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Sunog ang buong ka­tawan nang matagpuan si Maria Christina Arcega, ng J. Ramos St., Sangandaan ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Fire Department, dakong alas-11:30 ng tanghali nang masunog ang bahay ng biktima dahil sa faulty electrical wiring.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang siyam na kapitbahay nito. Nabatid na hindi na nakalabas ang biktima, na sumiksik sa ilalim ng lababo ng kanilang kusina.

Naapula naman ang apoy dakong ala-1:45 kahapon ng hapon kung saan inaalam pa kung magkano ang napinsa­lang ari-arian sa naganap na sunog.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

MABILIS

MARIA CHRISTINA ARCEGA

NAAPULA

NABATID

RAMOS ST.

SANGANDAAN

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with