^

Metro

Bangkay sinilid sa balikbayan box

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Sa halip na bomba, isang bangkay ng lalaki ang nakita ng mga tauhan ng Manila Police District-Explosive Ordnance Division (MPD-EOD) sa loob ng isang ‘balikbayan box’ na iniwan sa tapat ng isang construction site, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Nabatid na isang Edgardo Abaton, security guard ng isang construction site, ang tumawag sa MPD-District Tactical Operation Center para res­pon­dehan ang pagkakaroon ng hinihinalang bomba sa isang balikbayan box, na iniwan sa panulukan ng Instruccion at España sts., sa Sampaloc, dakong ala 1-ng hapon, kahapon.

Nang magtungo sa lugar ang MPD-EOD, nakita na isang bangkay ng lalaki na sinasabing markado ng lubid ang leeg na hinihinalang binigti hanggang sa mapatay bago ibinalot sa garbage bag at ipinasok pa sa isang balikbayan box.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 30-40,  nakasuot ng kulay puting t-shirt at short pants, at kilala  sa alyas na “Bert” at pagala-gala sa lugar.

Isang 12-anyos na batang lalaki ang nakapag­sabi sa awtoridad na may isang sasakyan na huminto sa lugar at inihulog ang nasabing balikbayan box, bago humarurot.

vuukle comment

BERT

DISTRICT TACTICAL OPERATION CENTER

EDGARDO ABATON

ESPA

INILARAWAN

INSTRUCCION

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with