^

Metro

Lider ng carnap, riding in tandem syndicate, tinukoy

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tinukoy ng Manila Police District (MPD) ang lider ng carnapping syndicate na suportado ng umano’y mga tiwaling pulis­ ang isang lider ng carnap group kaya pa­tuloy ang pamamayagpag ng ope­rasyon nito sa Metro Manila hanggang sa Region III at IV.

Kasabay ng isinasagawang imbestigasyon, nagpalabas na rin ng larawan ang MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit ng tinaguriang lider sa pagnanakaw ng mga ‘high end’ na sasakyan kabilang ang motorsiklo.

Ayon kay MPD-ANCAR chief, Major Pacito Joie Yape Jr., si Ernesto Gutierrez Jr. alyas “JR Bait,” ng Tondo, Maynila at grupo nito ang itinuturong suspect sa serye ng pinakahuling carnapping complaints.

Nabatid na ilang be­ses na naglabas-masok ng kulungan si Gutierrez subalit nakalalaya din umano dahil sa tulong ng ilang maimpluwensi­yang tao sa gobyerno ka­bilang ang mga sinibak na pulis at ang financiers umano ng grupo ay nasa tanggapan ng gobyerno

Bukod sa police gallery, tinukoy din si Gutierez ang kasamahang si “James Bryan Dean” alyas “JB Demonyo” na naaresto sa MCU hospital noong Hulyo 29, 2011 ng mga operatiba ng MPD dahil sa walang habas na pamamaril noong Hulyo 22, 2011 sa Tondo, na ikinasawi ng isang 45-anyos na housemaid, isang binatilyo at dalawang lalaki.

Inamin din ni Dean na siya ang tagabenta ng mga nakaw na sasakyan at si Gutierrez ang lider sa paglakad ng grupo nila sa carnapping, ma­ging sa serye ng riding-in tandem robbery, gun-for-hire at murder, pamamaril sa isang pulis, panghoholdap sa restaurant at tindahan ng relos.

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

AYON

ERNESTO GUTIERREZ JR.

HULYO

JAMES BRYAN DEAN

MAJOR PACITO JOIE YAPE JR.

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with