Bangkay ng kelot, ipinadpad sa Manila bay

MANILA, Philippines - Isang 30-hanggang 35-anyos na bangkay ng lalaki ang pina­niniwalaang nalunod at ipinadpad ng alon sa Manila Bay sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kahapon ng tanghali. Ang di pa kilalang bangkay na nakasuot ng kulay green na t-shirt at blue na shortpants ay nagsisimula nang mabulok na maaring may 3 araw nang patay. Humahampas-hampas umano ang bangkay sa aplaya sa Baseco Compound, kasabay ng alon nang matagpuan dakong 11-ng umaga kahapon. Wala umanong indikasyon na ito’y pinaslang dahil sa kawalan ng sugat o pasa sa katawan. Wala ding nakakakilala sa biktima sa lugar kaya posibleng ipinadpad lang ito doon ng alon. Inilagak pansamantala sa morgue ng Saint Yvan Funeral Homes ang bangkay.

Show comments