Tulong Red Cross sa QCPU, pinangunahan nina Joy B at Gordon

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Quezon City Vice Mayor Joy Bel­ monte at Senador Dick Gordon, chairman ng Philip­pine National Red Cross (PNRC) ang pagkakaloob ng financial assistance sa QC Poly­technic University sa Batasan com­plex kahapon

Ang pagkakaloob ng ayu­da ay bahagi ng programa sa isang araw na aktibidad sa QCPU na tampok dito ang bloodletting mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon at ang makoko­lektang dugo ay ita-turn over sa PNRC.

Bukod sa ayudang pinan­siyal, nagbigay din ang city go­vernment ng dalawang sasakyan sa PNRC upang maga­mit sa kanilang operasyon.

Ang okasyon ay humihikayat din sa may 100 indi­bidwal mula sa malapit na barangay dito na maging blood donors.

Una rito, lumagda sa isang memorandum of agree­ment si Belmonte, Sen. Gor­­don at QCPU President Sal­­vador Enriquez Jr. para sama-samang pagtagumpayan ang kampanya na mabibigyan ng sapat at tunay na serbisyo ang taumbayan.

Show comments