Tulong Red Cross sa QCPU, pinangunahan nina Joy B at Gordon
MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Quezon City Vice Mayor Joy Bel monte at Senador Dick Gordon, chairman ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang pagkakaloob ng financial assistance sa QC Polytechnic University sa Batasan complex kahapon
Ang pagkakaloob ng ayuda ay bahagi ng programa sa isang araw na aktibidad sa QCPU na tampok dito ang bloodletting mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon at ang makokolektang dugo ay ita-turn over sa PNRC.
Bukod sa ayudang pinansiyal, nagbigay din ang city government ng dalawang sasakyan sa PNRC upang magamit sa kanilang operasyon.
Ang okasyon ay humihikayat din sa may 100 indibidwal mula sa malapit na barangay dito na maging blood donors.
Una rito, lumagda sa isang memorandum of agreement si Belmonte, Sen. Gordon at QCPU President Salvador Enriquez Jr. para sama-samang pagtagumpayan ang kampanya na mabibigyan ng sapat at tunay na serbisyo ang taumbayan.
- Latest
- Trending