^

Metro

3 holdaper ng banko nalambat

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng PNP-CIDG at Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Ampang Co­ langco robbery gang na sangkot sa panghoholdap sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Commonwealth, Quezon City noong nakaraang buwan.

Kinilala ang mga nasa­koteng suspect na sina Armando Guno, alyas Allan, 35; Joel Roellano, 39 at Gary Padilla, 32.

Kasabay nito, nasilat naman ang planong panghoholdap ng mga suspect sa depositor ng isa pang banko sa  Morato Avenue na sinusundan ng mga suspek na si­nasabing magwi-withdraw umano ng malaking halaga ng pera sa naturang bangko.

Ang mga suspek ay sangkot sa 100 insidente ng robbery /holdup sa Metro Manila at mga karatig lugar kung saan maliban sa mga banko at malalaking establisimento ay target din ng mga ito ang mga negosyanteng Bombay.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang MK IV caliber .45 pistol, isang Smith and Wesson .38 caliber re­vol­ver, fragmentation grenade, silencer para sa cal .45 pistol, Suzuki mo­­ torcycle (4292 ND) na pag-aari ng suspect na si Guno, kulay beige na Toyota Vios (MR 635) na nakarehistro naman sa pangalan ng isang Dolores Cruz Quizon.

Nabatid pa si Guno ay may nakabimbin na warrant of arrest sa Las Piñas City bago pa man ito nasakote ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang pagtugis sa isa pang kasamahan ng mga suspek na si Eduardo Nobleza, alyas Komang na nakatakas sa operasyon. Si Nobleza ay positibong natukoy na kabilang sa mga suspek na nangholdap sa BPI Commonwealth Branch noong Hulyo 15, 2011.

Sa inisyal na interogasyon, inamin ni Guno na kilala niya si Ricky Cada­vero, alyas Kambal dahilan magkasama sila sa kanilang mga isinasagawang robbery/holdup kabilang ang insidente sa BPI Commonwealth Branch. (Joy Cantos at Ricky Tulipat)

AMPANG CO

ARMANDO GUNO

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

COMMONWEALTH BRANCH

DOLORES CRUZ QUIZON

EDUARDO NOBLEZA

GUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with