Kano, 2 pa, timbog sa P10-M cocaine

MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Taguig City Police ang isang American national at dalawang kasabwat nitong lalaki sa isang buy-bust ope­ration, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga nada­­kip na sina Vastine Jose, alyas Jimmy at mga kasa­bwat na sina Albert Joaquin at Edilberto Ty, kapwa tubong Samar­.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang dalawang kilo ng “high grade cocaine” na nagkakalaga ng higit sa P10 milyon.

Nabatid sa ulat, nakipag-ugnayan sa Taguig police ang AIDSOTF sa ilalatag na pain upang madakip ang isang malaking grupo ng sindikato na nagpapakalat ng cocaine sa Metro Manila. Isinagawa ang buy-bust ope­ration dakong alas-9:30 ng gabi sa basement parking area ng isang mall sa Global City Taguig kung saan isang operatiba ang nagpanggap na buyer.

Ayon sa AIDSOTF, posible na bahagi ang nakum­ piska nilang cocaine sa daan-daang kilo ng iligal na droga na itinapon ng isang mala­king sindikato sa dagat sa la­lawigan ng Samar nang mabuko ng mga awtoridad ang pagpupuslit nito sa bansa­.

Show comments