^

Metro

Klase sa lahat ng level, trabaho sa gobyerno sinuspinde

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Maagang nag-anunsyo ang Department of Education (DepEd) ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng basic­ education sa Metro Manila dulot ng walang tigil na ulan kahapon.

Inihayag ni DepEd-NCR assistant regional director Ri­zalino­ Rosales ang suspensyon ng klase sa pre-school, elementary, at high school levels bago pa mag-alas-5 ng umaga kahapon upang hindi na agad makapasok ang mga mag-aaral at maipit sa ulan at baha.

Ibinase ng DepEd ang suspensyon base sa forecast ng PAGASA na magtutuluy-tuloy ang pagbuhos ng ulan sa buong araw na lumikha ng matinding pagbabaha sa maraming lugar­ sa Metro Manila. Bukod sa Metro Manila, sinuspinde rin ang klase­ sa mga bayan ng Rodriguez, Rizal; Rosario, Cavite; Calamba­ City; ilang paaralan sa Cainta, Rizal; Pampanga at Bulacan.

Samantala, tinuligsa naman sa social network site na Twitter ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang Commission on Higher Education (CHED) sa kawalang-aksyon sa isyu ng suspensyon ng klase kung saan ang Malacañang pa ang naghayag nito dakong­ tanghali kahapon kung saan marami na sa mga estud­yante ang nakalabas ng kanilang bahay at nakapasok sa mga unibersidad at kolehiyo.

Binabatikos ng mga estudyante sa kanilang mga “tweets” ang CHED dahil sa pagkabigo nito na lumikha ng sarili nilang­ account sa mga social networking sites para makipag­komunikasyon sa mga estudyante sa kolehiyo na mayorya ng mga Filipino na gumagamit nito.

“CHED Wake Up! Wake Up!” Ito ang ilan sa “tweets” ng mga estudyante na naghihintay ng pahayag mula sa mga opisyal ng ahensya.

Dakong alas-12 na ng tanghali nang maglabas ng anunsyo­ ang Malacañang sa pamamagitan ni Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr. na wala nang pasok sa mga kolehiyo at uni­bersidad sa Metro Manila kung saan nakaalis na ang mga mag-aaral na may iskedyul ng klase ng umaga at naipit sa matinding pagbabaha. Sinuspinde na rin ang trabaho sa gobyerno.

vuukle comment

BINABATIKOS

DEPARTMENT OF EDUCATION

EXECUTIVE SECRETARY PACQUITO OCHOA JR.

HIGHER EDUCATION

MALACA

METRO MANILA

RIZAL

SHY

WAKE UP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with