^

Metro

Ginang tinodas ng biyenan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay sa sakal at saksak ang isang 37-anyos na ginang ng sariling biyenang lalaki sa Sta. Ana, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police­ District-Homicide Section ang biktima ay kinilalang si Mary Jane Maceda, ng Oro B St., Sta. Ana, Maynila, habang ang biye­­nang suspect na naman ay tinukoy na si Rodolfo Maceda, 62, na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng gabi nang pasukin ng lasing umanong suspect ang biktima sa loob ng silid nito, kung saan sinakal at sinaksak pa sa kanang bahagi ng balikat matapos ang maikling komprontasyon.

Sinabi ng anak ng biktima na si Jaybee, 11, nasa ku­warto­ sila ng kaniyang ina at nakababatang kapatid na babae nang biglang pumasok ang kanilang lolo at maganap ang insi­dente­.

Una umanong nakita ni Jaybee na sinasakal ang kaniyang ina at nakita niya na may dugong umaagos mula sa katawan nito bago bumulagta sa kama habang ang­ lolo ay nagmama­daling umalis.

Isinugod pa sa Sta Ana Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival, dakong alas-8:45 ng gabi.

Hindi pa natukoy ang dahilan ng komprontasyon na nauwi­ sa pagpatay sa biktima.

Nabatid na ang mister ng biktima (anak ng suspect) ay nagtatrabaho sa ibayong dagat.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

JAYBEE

MANILA POLICE

MARY J

MAYNILA

ORO B ST.

RODOLFO MACEDA

SHY

STA ANA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with