Trader nabiktima ng carnap

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nabiktima ng mga carnapper sa lungsod Quezon kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Felix Alnas, 53 ng Oasis of Love Building na matatagpuan sa E. Rodriguez Ave. sa lungsod.

Natangay ang Toyota Corolla 1997 model na kulay asul (PXK-454) ng biktima habang nakaparada ito sa harap ng kanyang bahay.

Ayon sa pulisya, maaring sinamantala ng mga suspect ang mahimbing na pagkakatulog ng biktima nang tangayin ang nasabing sasakyan.

Nalaman na lang ng biktima ang pagkawala ng sasak­yan nang magising ito ganap na ala-6 ng umaga.

Inalarma na ng kapulisan ang naturang sasakyan sa buong tanggapan ng Quezon City Police District para sa posibleng pagrekober dito.

Show comments