^

Metro

Ex-OFW binistay ng bala

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dating Overseas Filipino Workers (OFWs) ang patay makaraang tadtarin ng bala ng dalawang armadong kalalakihan habang naglalakad papauwi sa lungsod Quezon kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Greg Maramag ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang biktima na si Leonardo Reymond, 52, at residente sa Simeon de Castro compound, Brgy. Sta Lucia sa lungsod.

Agad namang tumakas ang mga suspect makaraan ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa may Interior St., Maligaya Extension, Brgy. Gulod, Novaliches, ganap na alas-2:30 ng hapon.

Bago ang insidente, ga­ling umano ng tupadahan ang biktima at naglalakad papauwi nang biglang su­mulpot ang dalawang armadong suspect at pagbabarilin ito.

Nang masigurong patay na ang biktima ay saka mabilis na umalis ang mga suspect na naglakad patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Narekober sa lugar ang ilang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng mga sus­pect sa pamamaril sa biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

GREG MARAMAG

INTERIOR ST.

LEONARDO REYMOND

MALIGAYA EXTENSION

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

QUEZON CITY POLICE

STA LUCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with