^

Metro

Agosto 1, 'Corazon C. Aquino Day' sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nilagdaan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang proklamasyon kung saan idineklara ang Agosto 1, bilang ‘Corazon C. Aquino Day’ sa lungsod kaugnay ng paggunita sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino ngayon.  

Ito naman ang nabatid mula kay chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, kung saan pa­ngu­­ngunahan ni Lim ang okasyon ka­sama ang mga city officials, employees, estud­yante at mga residente sa isang wreath-laying ce­remony na gaganapin sa Ninoy-Cory Aquino Park sa panulukan ng Burgos Street at Bonifacio Drive sa Ermita, Manila ngayong alas-8 ng umaga.

Sa nasabing lugar nakatayo ang monumento nina Aquino, asawang si Senator Ninoy at Car­dinal Sin, na may taas na 15 talampakan.

Ipinagawa ni Lim ang monumento ng tatlo bilang pagkilala sa kanilang naitulong upang makamit ng bansa ang demokrasya.

Dagdag pa ni Lim, hindi matatawaran ang katangian ng dating pangulong Aquino dahil napanatili nito ang takot sa Diyos, kababang loob, katapatan at pagmamahal sa bansa.

AQUINO

AQUINO DAY

BURGOS STREET

CORAZON C

MANILA MAYOR ALFREDO S

NINOY-CORY AQUINO PARK

PANGULONG CORAZON COJUANGCO AQUINO

SENATOR NINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with