^

Metro

Karpintero hulog sa gusali, patay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang karpintero nang ito’y mahulog mula sa isang gusali sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Miguel Aguinaldo, 48, stay-in sa ginagawang gusali sa Pacific­ Century Tower na nasa 226 Quezon Avenue, Brgy. South Triangle sa nabanggit na lungsod.

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima pasado ala-1:00 ng madaling araw sa loob ng naturang gusali na kasama sa selebrasyon ng halos lahat ng mga obrero dito dahil katatapos lamang nilang magawa ang gusali.

Makaraan aniya ang may isang oras ay nagpaalam uma­no ang biktima sa mga kasamahan na matutulog na.

Biglang nagkagulo ang mga nag-iinuman ng malaman nila sa ilang kasamahan na nasa ibaba na ng gusali ang biktima at wala ng buhay at dito lamang nila nadiskubre na nahulog ito.

Ayon sa ilang kasamahan ng biktima, malamang na dulot ng sobrang kalasingan ay maa­aring nawalan ng panimbang sa hagdan ang biktima hanggang sa itoy bumulusok paibaba at siya nitong ikinamatay.

Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

AYON

BIGLANG

BIKTIMA

BRGY

CENTURY TOWER

GAYUNMAN

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with