Obrero sinalubong ni 'Kamatayan'
MANILA, Philippines - Utas sa saksak ang isang lalaki buhat sa hindi pa nakikilalang suspek habang papauwi na ang una sa kanyang bahay kahapon ng umaga sa Pasay City.
Nakilala ang biktima na si Joel Mendoza, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital sanhi ng dalawang saksak sa dibdib.
Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng umaga sa kahabaan ng F. Victor St., ng naturang siyudad habang naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.
- Latest
- Trending