^

Metro

2 'tiktik' ng PDEA binigyan ng tig-1 milyon

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang impormante na naging daan para mabuwag ang malawakang operas­yon ng droga sa bansa ang gi­­na­waran ng parangal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa national heaquarters nito sa lungsod Quezon.

Ang parangal ang personal na ipinagkaloob ni Vice-President Jejomar “Jojo” Binay at PDEA director Ge­neral Jose Gutierrez Jr., sa mga impormanteng sina alyas Alex Chow at alyas Robert na binigyan ng tig-isang milyong piso bilang cash incentives.

Si Chow ang nakapagbigay ng impormasyon upang maaresto ang tatlong Chinese nationals at masamsam ang may 193.9 kilo ng shabu sa serye ng drug operation noong February 23-25, 2011.

Habang si Robert naman ay nakapagbigay impormas­yon para mabuwag ang isang laboratoryo ng shabu sa Lipa City Batangas kung saan na­­samsam ang may 6,260 miligram na dami ng liquid ng shabu noong February 25, 2011.

Ang pagbibigay parangal sa mga impormante ay bahagi ng programa ng PDEA sa kanilang ika-9 na taong anibersaryo na ginanap sa PDEA headquarters sa Nia Road, Brgy. Pinyahan.

ALEX CHOW

BINAY

BRGY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOSE GUTIERREZ JR.

LIPA CITY BATANGAS

NIA ROAD

SHY

SI CHOW

VICE-PRESIDENT JEJOMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with