^

Metro

Misis inutas ng selosong mister

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Selos ang nagtulak sa isang mister para paslangin ang kanyang asawa na nagdiriwang ng ika-31 taon kaarawan sa pamamagitan ng pagsaksak dito, bago ipasya nitong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paghiwa sa kanyang pulso sa harap ng kanilang 15-anyos na anak na babae sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang suspect ay kinilalang si Ariel Berdigon, 41, na gina­gamot ngayon sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspect ang pagpatay sa kan­yang asawang si Bernadeth, 31, matapos mabalitaan na umano’y may karelasyon itong ibang lalake.

Nangyari ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Scout Torillo St., Bgy. South Triangle, Quezon City, ganap na alas-7:40 ng gabi.

Bago umano ang insidente, sinabi ng anak ng mag-asawa ganap na alas-5 ng hapon ay nagpunta sa kanilang paaralan ang kanyang nanay para siya i-blow out dahil sa kaarawan nito.

Umuwi umano sila ng bahay ganap na alas-7:30 ng gabi, nakita nila ang suspect na naghihintay na sa kanila sa pintuan.

Ayon sa bata, nang papasok na ang kanyang nanay ay hinarang ito ng suspect na dito umano nagkaroon ng mainitang pagatatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspect at ilang ulit na pinagsasaksak ang biktima hanggang sa lumuwa ang bituka nito.

Nang makita ng suspect na naghihingalo ang biktima ay ipinasya nitong hiwain ang kanyang pulso para magpakamatay.

Ang mag-asawa ay agad na itinakbo ng kanilang kapit­bahay sa EAMC pero idineklarang dead on arrival ang na­sabing biktima.

ARIEL BERDIGON

AYON

BERNADETH

BGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

NANG

NANGYARI

QUEZON CITY

SCOUT TORILLO ST.

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with