^

Metro

Pasilidad ng Dimple Star bubusisiin ng LTFRB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasilidad ng Dimple Star Bus company na ang isang unit ay lumipad sa Skyway na nagsanhi sa pagkamatay ng tatlong katao at pag­kasugat ng apat na iba pa kamakalawa sa Parañaque City.

Ayon kay LTFRB chairman Nelson Laluces na bukod dito ipapatupad din ang isang buwang suspension na igina­wad ng ahensiya laban sa naturang kumpanya.

“Ngayong umaga ise-serve ang suspension order, preventive suspension for 30 days” pahayag ni Laluces.

Itinakda naman ni Laluces na isasailalim sa pagdinig sa Agosto 4 ang tungkol dito upang mapakinggan ang panig ng may-ari ng bus company at maipaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang franchise nito dahil sa naganap na insidente.

AGOSTO

AYON

BUBUSISIIN

DIMPLE STAR BUS

ITINAKDA

LALUCES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

NELSON LALUCES

NGAYONG

SUSPENSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with