^

Metro

Bus nag-dive sa Skyway: 3 patay, 4 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lumipad buhat sa Skyway sa South Luzon Expressway ang isang pampasaherong bus makaraang mawalan ng kontrol at bumagsak sa ibabang kalsada sanhi ng agad na pagkasawi ng driver at da­­lawang pasahero, habang apat pang katao ang malubhang na­sugatan, kahapon ng uma­ga sa Parañaque City.

Idineklarang dead-on-ar­rival sa Parañaque Medical Hospital ang nasawing si Jo­ven Justo, 31, driver ng Dimple Star Transport bus na biyaheng probinsya at pasaherong sina Anthony Abara at Lorenzo Gappo.

Isinugod sa Florencio Bernabe Sr. Memorial Me­dical Hospital ang sugatang konduktor na si Jonathan Ale­var, habang sa South Superhighway Me­dical Cen­ter naman dinala ang tatlo pang pasahero na sina Rene Mendez Jr., Catherine Joson, at Frisco Heraldo.

Sa ulat ng Skyway Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa elevated Sky­way sa bahagi ng Marcelo Green Village sa naturang lungsod. Binabagtas ng bus ang southbound lane patu­ngong Alabang sa Muntinlupa City nang mawalan ng kontrol sa behikulo ang driver na si Justo at diretsong nalaglag sa “west service road”.

Tumatakbo umano ng 60 hanggang 70 kph ang naturang bus sa kabila ng malakas na hangin at ulan hanggang sa mawalan ng kontrol.

Tuluyang nagkadurug-durog ang unahan ng naturang bus sa pagbagsak nito sanhi ng kamatayan ni Justo na nadurog ang ulo at katawan habang dalawa pa nitong pasahero ang nasawi.Sinabi ni Ed Nepomuceno, tagapagsalita ng Skyway na kanilang pag-aaralan ang vi­deo­­ footage ng naturang aksidente upang mabatid ang tunay na pangyayari.

ANTHONY ABARA

CATHERINE JOSON

DIMPLE STAR TRANSPORT

ED NEPOMUCENO

FLORENCIO BERNABE SR. MEMORIAL ME

FRISCO HERALDO

JONATHAN ALE

LORENZO GAPPO

MARCELO GREEN VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with