^

Metro

Nanampal na guro inireklamo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong child abuse sa Pasay Women’s and Children’s Desk ang isang guro makaraang akusahan ng isang high school student na nanampal at nambatok sa kanya, nitong nakaraang Biyernes.

Nakilala ang inirereklamong guro na si Crisencia Ventura, ng Pasay City West High School, at nagtuturo ng Social Studies. Nabatid sa reklamo ng 17-anyos na biktima na nagkaroon ito ng pakikipagtalo sa kanyang babaeng kaklase noong nakaraang Hulyo 21.

Inakala umano ng guro na si Ventura na kinukulit ng lalaking mag-aaral ang babae nitong estudyante kaya ito ang pinaga­litan at inutusan na isama ang kanyang magulang kinabukasan upang kausapin ang mga ito.

Hindi naman nasunod at hindi naisama ng biktima ang kanyang mga magulang kung saan lalo itong pinagalitan ng guro. Hindi pa nasiyahan sa panenermon, sinabi ng biktima na dalawang beses umano siyang sinampal ng guro.

Nakatakdang ipatawag naman ng pulisya ang naturang guro upang hingan naman ang panig nito sa pagdidisiplina sa lalaking estudyante.

vuukle comment

BIYERNES

CRISENCIA VENTURA

GURO

HULYO

INAKALA

NABATID

NAKATAKDANG

PASAY CITY WEST HIGH SCHOOL

PASAY WOMEN

SOCIAL STUDIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with