^

Metro

Manila Zoo hindi isasara

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Ma­yor Alfredo S. Lim sa grupong nais ipasara ang Manila Zoo na humanap na lamang ng ibang paraan para makatulong sa mga hayop sa Zoo.

Binanggit ito kahapon ng alkalde sa idinaos na ika-52 taon ng pagkakatatag ng Manila Zoological and Botanical Garden.

Nagpasalamat si Lim sa mga pribadong kompanya na nag-donate sa Zoo at nangako na hindi ito maa­aring isara hanggat siya pa ang mayor ng Maynila.

Pinagkaloban ng pla­ques of appreciation ni Parks and Recreation Bureau director Engineer Deng Manimbo ang mga kompanyang donor sa Zoo kabilang ang Associated Ship Management Services, na gumastos sa filtration system ng bagong tayong tropical pond na pinaglagyan ng iba’t ibang species ng isda na matatagpuan lamang sa South at North America,at Thailand.

Pinangunahan ni Lim ang pagpapakawala ng may 3,000 fingerlings sa lagoon na ginagamit sa pama­mangka ng mga namamas­yal. Hindi lamang umano libangan, pasyalan kundi educational din ang pakinabang sa Zoo.

Patuloy pa aniya ang pa­ngangalap niya ng donas­yong mga hayop para dito mula sa iba’t ibang bansa.

Kasabay nito, tinabla ni Lim ang alok na malawak na lupain sa Tagaytay o Cavite, kapalit ng pagsa­sara ng Manila Zoo sa Maynila.

ALFREDO S

ASSOCIATED SHIP MANAGEMENT SERVICES

ENGINEER DENG MANIMBO

MANILA MA

MANILA ZOO

MANILA ZOOLOGICAL AND BOTANICAL GARDEN

MAYNILA

NORTH AMERICA

PARKS AND RECREATION BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with