MANILA, Philippines - Isang tinatayang 5 hanggang 6 na buwang patay na fetus ang natagpuan sa passenger seat ng isang taxi sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa pahayag sa imbestigador ni Evangelio Crayo, 48, driver ng Chrenzkri Taxi (TXU-199) dakong alas-6:30 ng umaga nang masilip niya sa salamin sa loob ng taxi ang isang plastic bag na inakalang nakalimutan ng pasahero.
Nang alamin ang laman ay tumambad ang babaeng fetus na may nakakabit pang pusod at nababalot ng sariwang dugo.
Kaya inireport niya ito sa Manila Police District- Station 4 na siyang nag-report sa MPD-Homicide Section.
Hindi niya maalala ang huling pasahero na naisakay kaya malabong matukoy ang responsable sa pagtatapon ng hinihinalang pina-abort na sanggol.