^

Metro

59 flying registrants nabuking

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bagama’t malayo pa ang halalan, 59 na flying re­gistrants ang  nabuking matapos na ibasura ng Com­mission on Elections (Comelec) ang kanilang  application for registration.

Kamakailan ay iprinisinta ni Bgy. Chairman Domingo Vacal­ kay Manila Mayor Alfredo Lim ang listahan ng mga sinasabing botante  na ibinasura ng Comelec.

Nabatid na ang 59 na mga flying registrants ay nagsumite lamang ng police clearance bilang patunay ng  kanilang paninirahan sa Brgy. 262, Zone 25. 

Dahil dito, kinuwestiyon ni Vacal ang 59 hanggang sa dumaan sa pagdinig at imbestigasyon ng Comelec.

Lumitaw naman sa imbestigasyon ng Comelec na hindi  residente ang 59.

Paniwala naman ni Vacal posibleng pakana umano ito ni 1st Kagawad Sencio Lagamayo at siyam na iba pa.

Kasabay nito, nanawagan naman si Chief of Staff at Media Bureau Chief Ricardo “Ric” de Guzman kay Comelec Chairman Sixto Brillantes  na amyendahan ang  resolusyon kung saan inoobliga ang mga botante na magpakita ng kanilang Identification Card.

Ito’y kaugnay na rin ng plano ng  Comelec na linisin ang komisyon mula sa mga listahan ng botante.

CHAIRMAN DOMINGO VACAL

CHIEF OF STAFF

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

IDENTIFICATION CARD

KAGAWAD SENCIO LAGAMAYO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MEDIA BUREAU CHIEF RICARDO

VACAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with