1,800 pulis sa Maynila handa sa SONA
MANILA, Philippines - Kahit sa lungsod ng Maynila ay may nakalatag ngayong 1,800 na kapulisan na tinaguriang Task Group West, na bahagi din ng binuong Super Task Force Kapayapaan ni Philippine National Police Director General Raul Bacalzo para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi ni Manila Police District (MPD) spokesperson C/Insp. Erwin Margarejo ang 1,500 kagawad ng MPD at augmentation forces na 300 mula sa National Capital Regional Police Office ay magsisilbing Task Group West.
Kabilang sa mga lugar na tututukan ay ang makasaysayang Mendiola Bridge na inaasahang pagdarausan din ng mga kilos-protesta ngayong umaga, ang mga pangunahing instalasyon gaya ng LRT, MRT, Pandacan oil depot, US Embassy at ang mga kalyeng daraanan ng Pangulo patungo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ani Margarejo, bago pa mag-alas-7 ng umaga ay naka-deploy na ang mga naturang puwersa ng pulis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
- Latest
- Trending