^

Metro

Mag-utol kritikal sa amok

- Ni Mer Layson­ -

MANILA, Philippines - Sugatan at nasa ma­lubhang kalagayan sa ospital ang magkapatid na lalaki makaraang pag­sasaksakin ng nag-amok na lalaki sa Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Kapwa nakaratay nga­yon sa Amang Ro­dri­guez  Memorial  Medical Center sina Rizalino Villa­carlos, 45, ng Narra St., Marikina Heights; at Raul Villa­carlos, 52, ng Daangbakal St., Brgy. San Roque sa nasa­bing lungsod.

Si Rizalino ay nagtamo ng apat na saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan habang limang saksak naman si Raul.

Ang suspect ay mabilis na nakatakas matapos ang insidente na siyang target nga­yon sa ginagawang pag­hahanap ng pulisya.

Sa rekord ng Marikina Police, ang in­sidente ay naganap dakong alas-12:30 ng mada­ling-araw sa Molave St., Brgy. Parang, Marikina City.

Sinasabing naglalakad na papauwi ang magkapatid noon nang biglang sumulpot sa ka­­­nilang likuran ang sus­pect na naglilisik umano ang mga mata at walang sabi-sabing pinagsa­saksak ang magkapatid.

AMANG RO

BRGY

DAANGBAKAL ST.

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

MARIKINA POLICE

MEDICAL CENTER

MOLAVE ST.

NARRA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with