^

Metro

Tatawid sa police line pagmumultahin, ikukulong

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pagmumultahin at iku­kulong ang sinumang tatawid sa police line kung may krimeng iniimbestigahan.

Ito naman ang na­ka­­saad sa ordinansang inak­da ni Manila 2nd District Councilor Ro­dolfo Lacsamana na ipinasa ng Manila City Council sa ika­lawang pagbasa sa pamumuno ni Manila Vice Mayor­ Isko Moreno bunsod na rin ng umano’y pagdagsa ng mga sibilyan ga­yundin ang miyembro ng media­ sa lugar kung saan naganap ang madugong hostage taking sa Luneta Grandstand.

Batay sa ordinansa, pagmumultahin ng P5,000 at pagkaka­kulong ng 15 araw ang sinu­mang tatawid o la­lagpas sa naka-cordon na lugar habang nangyayari at iniimbestigahan ang isang krimen.

Ayon kay Lacsamana, kahiya-hiya ang sitwasyon noong naga­ganap ang hostage crisis dahil ipinakita ng mga awtoridad ang kanilang kahinaan upang mapigilan ang mga sibilyan gayundin ang mga mamamahayag na lumapit sa lugar ng pinangyayarihan ng   insidente.

Aniya, hindi ma­ikakaila ang mga usi­sero sa kasagsagan ng hostage taking noong Agosto 25, 2010 kung saan hinostage ni da­ting police Sr. Insp. Ro­lando Mendoza ang 21 Chinese kung saan walo dito ang namatay.

Ang nasabing in­sidente ay napanood sa buong mundo.

Paliwanag pa ni Lacsamana, ang yellow line na ikinakabit ng mga pulis sa crime scene ay palatandaan na hindi awtorisadong pumasok o lumapit dito ang mga bystander dahil nanatili ang pa­nganib.

Dagdag pa ni Lacsamana na ang ordi­nansa ay magsisil­bing batayan ng mga awto­ridad sa panahon ng krisis upang mas ma­ging maayos ang pag­hawak at pag-iimbes­tiga.

DISTRICT COUNCILOR RO

ISKO MORENO

LACSAMANA

LUNETA GRANDSTAND

MANILA CITY

MANILA VICE MAYOR

SHY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with