^

Metro

Senior citizen discount, giit sa produktong petrolyo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaki ang posi­bilidad na hindi lamang sa gamot, pasahe at sa mga restaurant ma­­aaring makakuha ng discount ang mga senior­ citizen sa Maynila kundi maging sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Manila 4th District Councilor Don Juan Bagatsing, prayoridad ng lungsod ng Maynila na tutukan ang kapakanan at pangangailangan ng mga senior citizen tulad na rin ng ipina­tutupad ngayon ng pamahalaan.

Layon ng kanyang isinumiteng ordinansa, na mabigyan din ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga senior citizen ng mga establisimyento na nagbebenta ng anumang petroleum pro­ducts na kinabibilangan ng gasoline, diesel at lubricants sa lungsod.

Gayunman, kaila­ngang sakay ng pribadong sasakyan ang senior citizen   na re­histrado sa Land Transportation Office (LTO) bukod pa sa pagpiprisinta ng kanilang ID na inisyu ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Nilinaw din ni Ba­gatsing na hindi saklaw ng kanyang ordinansa ang mga nakasakay sa mga pampublikong sasak­yan sa Maynila.

Posible namang patawan ng ka­ukulang parusa tulad ng pagba­bayad ng P5,000 at pagkakakulong ng mula isa hanggang anim na buwan ang sinumang magsasamantala sa ordinansa sakaling maaprubahan ng konseho ng Maynila.

AYON

DISTRICT COUNCILOR DON JUAN BAGATSING

GAYUNMAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAYON

MAYNILA

OFFICE OF SENIOR CITIZEN AFFAIRS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with