^

Metro

5-buwang buntis patay sa tren

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang babaeng 5-buwang buntis, habang pinanga­ngambahan namang maputulan ng mga paa ang live-in partner nito matapos masa­gasaan ng tren, habang natu­tulog sa riles, sa bahagi ng New Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktima na si Kaycee Bautista, 19, scavenger, habang ang live-in partner nitong si Augusto Alonzo, 20 ay nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Me­morial Medical Center (JRMMC) dahil sa nadurog na mga buto sa paa at posibleng tuluyang maputulan.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Traffic Enforce­ment Group kay Chief Insp. Reynaldo Nava, dakong alas-5:30 ng  madaling-araw nang maganap ang insidente habang mahimbing na natutulog ang dalawa at ginawa pa umanong unan ang riles ng tren nang hindi mamalayan ang pitada o busina ng tren na paparating na nagmula sa Tutuban.

Huli na nang bumalikwas at magtangkang umalis sa riles ang dalawa dahil nahagip sila at halos mahati ang katawan ng babaeng buntis habang paa naman ang ina­bot sa lalaki.

Mismong mga pasahero umano ng tren ang sumaklolo at nagdala sa pagamutan sa biktimang si Alonzo.

Ayon kay Nava, mahigpit na pinagbabawal ang pagtulog sa mga riles dahil sa panganib ng lugar.

vuukle comment

ALONZO

AUGUSTO ALONZO

CHIEF INSP

JOSE REYES ME

KAYCEE BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCE

MEDICAL CENTER

NEW ANTIPOLO ST.

REYNALDO NAVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with