^

Metro

2 Tsinoy trader nabiktima ng 'Dugo-dugo gang'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang negosyanteng Tsinoy ang nabiktima ng miyembro ng ‘Dugo-dugo gang’ matapos malansi ang kanilang mga kasambahay sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa idinulog na reklamo sa MPD-General Assignment Section, sinabi ng mga biktimang sina Yuk Chi Ng Chua, 48; at Marivic Ng, 40, residente ng G.Masangkay St.Tondo, Maynila at mga housemaid na sina Marisol Ocenar, 24 at Alice Velasquez, 24, umabot sa halagang P150,000. ang natangay ng suspect.

Dakong alas-3 ng hapon ng maganap ang insidente sa tapat ng LTO malapit sa Divine Mercy Church sa Caloocan City kung saan pinapunta ang mga katulong matapos tawagan umano ng isang babae hinggil sa aksidenteng kinasangkutan ng kanilang mga amo.

Isang bata umano ang nadisgrasya kaya pinagdala sila ng pera at nag-iwan ng numero ng telepono para kontakin ang babae sakaling patungo na sila sa lugar. Sinabi ng suspect na hawak na umano nila ang mga amo dahil hindi maaring lumabas kung hindi maaayos ang kaso.

Nang maibigay na ang nasabing halaga sa suspect sa tapat ng nasabing simbahan sa Caloocan City ay pinauwi umano sila at nasorpresa nang datnan sa bahay ang kanilang mga amo.

Ayon sa dalawa, kinuha nila ang mga pera at alahas sa cabinet ng mga amo na ibinigay sa suspect.

vuukle comment

ALICE VELASQUEZ

CALOOCAN CITY

DIVINE MERCY CHURCH

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARISOL OCENAR

MARIVIC NG

MASANGKAY ST.

MAYNILA

YUK CHI NG CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with