^

Metro

Klase sa QC, suspendido sa Lunes - DepEd

- Nila Mer Layson at Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na walang pasok ang mga pribado at pam­publikong paaralan mula sa kindergarten, elementarya at high school sa Quezon City sa araw ng Lunes.

Ang suspension ng klase ay inanunsiyo ni Dr. Corazon C. Rubio, Officer-In-Charge ng School Division Superin­tendent ng DepEd kaugnay sa isasagawang State of the Nation Address­ (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Dr. Rubio, upang hindi masayang ang hindi pagpasok ng mga estudyante sa Lunes ay magkakaroon naman ng pasok o ‘make-up classes’ sa susunod na araw ng Sabado.

Sinabi naman ni Kenneth Tirado, chief ng Public In­formation Office (PIO) ng DepEd, layunin nilang hindi ma­apektuhan ang mga batang mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan kaya sinuspinde nila ang klase dahil sa ina­asahang magdudulot ng sobrang sikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lungsod, kasabay ng SONA ng Pangulo dahil na rin sa mga kilos-protesta na isasagawa ng mga militanteng grupo.

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. CORAZON C

DR. RUBIO

KENNETH TIRADO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PUBLIC IN

QUEZON CITY

SCHOOL DIVISION SUPERIN

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with