Fetus bumara sa pumping station

MANILA, Philippines - Isang babaeng fetus ang natangay at hinigop ng tubig patungo sa pumping station sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 6-7 buwan gulang ang fetus na namataang lumulutang sa Estero de Balagtas malapit sa San Adres pumping station sa Dr.Carreon St., Sta.Ana, Maynila.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang itawag sa Homicide Section, ang nasabing fetus na may nakakabit pang inunan at pusod.

Inireport ng security guard kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Engineer Leopoldo Valeria ang pagbara ng naturang fetus.

Show comments