Parak huli sa drug-bust

MANILA, Philippines - Timbog habang nakasuot pa ng uniporme ang isang kagawad ng pulisya matapos na makuhanan ng plastic sachet ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang pulis na si SPO2 Federico Lictawa, 54, nakatalaga sa QCPD Baler Police Station 2, at residente ng Brgy. San Roque, ng nabanggit na lungsod.

Naaresto si Lictawa sa may kanto ng Agham Road at Quezon Avenue, Brgy. Pag-asa ganap na alas-7:30 ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa isang pulis na iligal na nagbebenta ng droga dahilan para agad i-surveillance ang lugar at nang magpositibo ay isinagawa ang operasyon.

Gayunman, itinatanggi ni Lictawa na galing sa kanya ang droga at wala umano siyang nalalaman kaugnay dito.

Show comments