^

Metro

Kargador utas sa boga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang 25-anyos na kargador sa palengke matapos barilin ng di nakilalang suspect sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Christopher de Guzman, ng Area A. Gate 7, Parola Compound, Tondo na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang bigla na lamang bumulagta ang biktima habang naglalakad sa panulukan ng C.M. Recto Ave., at Tabora St., Binondo matapos marinig ang sunud-sunod na putok.

Isang oras bago ang insidente, nakita pa ang biktima na nagbubuhat ng saku-sakong prutas at umalis ito matapos iyon. Nang bumalik ay saka ito binaril ng di nakilalang suspect. Blanko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaslang.

vuukle comment

AREA A

BINONDO

BLANKO

DAKONG

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GUZMAN

ISANG

PAROLA COMPOUND

RECTO AVE

TABORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with