^

Metro

Mag-ama sugatan sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan nang tangkaing patayin ang apoy na tumupok sa ikatlong palapag ng kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Pateros.

Kaagad na naisugod sa Medical City sa Pasig City sina Apolinario Jun Santos, isang steward supervisor, nagtamo ng mga paso sa bahagi ng mukha at mga kamay habang sa mga paa naman nasugatan ang kanyang anak na si Mica, 22, estudyante.

Ayon sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng tirahan ng mga biktima sa #312 Int. P. Herrera St., Brgy San Pedro dakong alas-5:20 ng madaling-araw.

Unang nagising ang asawa ni Apolinario na si Milagros, dahil sa isang pagsabog buhat sa ikatlong palapag. Dito nito ginising ang asawa at ang anak na dali-dali namang umakyat at tinangkang patayin ang apoy na mabilis na kumalat hanggang sa biglang sumiklab at mapaso ang mag-ama.

Nagawa namang makalabas ng kanilang tahanan ang mag-ama hanggang sa rumesponde ang mga bumbero at tuluyang maapula ang apoy dakong alas-5:38 ng umaga­.

vuukle comment

APOLINARIO

APOLINARIO JUN SANTOS

AYON

BRGY SAN PEDRO

DITO

HERRERA ST.

KAAGAD

KAPWA

MEDICAL CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with