^

Metro

Mister utas sa grupo ng ex ni misis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anyos na vendor nang saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakikipagsuntukan ito sa dating syota ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Angel Tiamzon, ng Sulu St., Sta.Cruz, Maynila. Idineklara itong dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial and Medical Center.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng MPD ang nakasuntukan nitong si Randy Caling, 33, store helper at residente ng Eastwind Homes Subd., Rodriguez, Rizal.

Nabatid na dakong ala-1 ng madaling-araw nang mangyari umano ang komprontasyon sa pagitan ng biktima at ni Caling matapos magalit ang una nang makarating ang balita sa kanya na ipinagkakalat umano ng huli na naging syota umano nito ang kanyang misis.

Ayon sa pulisya, humantong ang pag-uusap sa suntukan hanggang sa bigla na lamang bumagsak ang biktima at doon na nakita na may mga saksak na ito sa katawan. Maging ang suspect ay nagulat nang makitang may mga saksak na ito sa katawan. Maaari umanong sa gitna ng suntukan ay may sumalising ka-tropa ni Caling na siyang sumaksak sa biktima gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

ANGEL TIAMZON

AYON

CALING

CRUZ

EASTWIND HOMES SUBD

IDINEKLARA

JOSE REYES MEMORIAL AND MEDICAL CENTER

MAYNILA

RANDY CALING

SULU ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with