Kelot nag-suicide sa motel
MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng nakalalasong kemikal sa loob mismo ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.
Bumubula pa ang bibig ng biktimang nakilala sa pangalang kanyang ipinatala na Rolly Gases nang matagpuan sa banyo ng Luxury Lodging House sa panulukan ng D. Jose at Rizal Avenue sa Sta. Cruz.
Kaugnay nito inilarawan pa rin ang biktima na nasa 35 hanggang 40-anyos; semi-long hair; may balat sa kanang braso, 5’8’’ ang taas; nakasuot ng kulay pulang short pants; t-shirt na may stripe na orange sa manggas at leeg at naka-brown na tsinelas bukod pa rito, bungi ang itaas na ngipin nito.
Batay sa ulat ni Det. Gerardo Rivera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8 kamakalawa ng gabi nang mag-check-in ang biktima sa Room 219.
Nagtataka naman ang roomboy ng motel kung bakit hindi pa lumalabas ang biktima gayong oras na nito para mag-check out.
Nabahala ang mga kawani ng motel kung kaya’t kinuha ang duplicate key at binuksan ang kuwarto ng biktima.
Dito na nakita dakong alas-12 ng tanghali kahapon ang biktima na bumubula ang bibig habang nasa tabi nito ang bote na hinihinalang kemikal.
Gayunman, upang hindi maiwasan ang sinasabing may foul play sa nasabing insidente.
Inawtopsiya ito sa Universal Funeral morgue, habang inaalam pa ng pulisya kung tunay ang pangalang ibinigay nito.
- Latest
- Trending