^

Metro

Umawat sa pananakit sa bata, grinipuhan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 49-anyos na lalaki na umawat sa pananakit ng bata makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay na senglot kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Napuruhan sa tiyan si Joseph Briones, obrero, ng Phase 8B, Pkg-5, Block 78 Lot 2, Bagong Silang, Caloocan habang­ ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang anak-anakang si Rodebilio Dela Cruz, 24 na sinaksak sa dibdib.

Inilatag na ang dragnet operation laban sa suspek na si August Quiliboy Galit, alyas Utoy, 34, walang trabaho at residente rin ng naturang lugar.

Base sa police report, naganap ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi matapos mapagtripang sipain ng suspek ang kanyang pamangkin.

Dito na nakialam at umawat si Briones na agad namang sinaksak ng suspek. Tinangkang sumaklolo ni Dela Cruz sa kanyang ama-amahan ngunit maging siya ay sinaksak din ng suspek sa dibdib.

Naisugod pa sa J. Rodriguez Hospital sa Tala, Caloocan si Briones subalit namatay din habang inilipat naman ng pagamutan si Dela Cruz.

vuukle comment

AUGUST QUILIBOY GALIT

BAGONG SILANG

BRIONES

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DELA CRUZ

DITO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSEPH BRIONES

RODEBILIO DELA CRUZ

RODRIGUEZ HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with