^

Metro

Pulis-Crame inireklamo sa pamamalo ng baril

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Anim-katao kabilang ang dalawang babae ang nagreklamo laban sa isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame na sinasabing namalo ng baril, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Bukod sa itinuturong suspect na pinangalanan nilang si PO1 Tony Boy Alarde ng Bambang St., Tondo,  isa pang alyas “Alvarez” ang kasama ng pulis sa pagwawala nito.

Sinabi ni PO3 Arvin Ca­ lub ng Manila Police District-General Assignment Section, dumulog sa kanilang tanggapan sina Alvin Tolentinio, 31; Wally, 31; Jenifer, 32; Jacquelin, 30; Enrique de Guzman, 40; at ang isang Richard Villa,  40, pawang residente ng Mayhaligue  corner Yakal Street, Tondo.

Sinabi ng mga complainant na dakong alas-5 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Sinasabing senglot ang nasabing pulis at isa pang lalaki na naghahanap kay PO1 Archie Cruz kung saan pinasok ang bahay ni Tolentino upang tanungin.

Sinabi ni Tolentino na hindi niya alam ang kina­ro­roonan ni PO1 Cruz kaya kaagad siyang pinukpok ng baril ng dahil sa duda na nagsisinungaling ito.

Maging ang mga babae ay sinaktan at pilit na ipina­tuturo kung nasaan si PO1 Cruz hanggang sa magi­sing ang pinsan ni Tolentino na si Wally na pinalo rin sa ulo at nang makita ang nag-uusyosong si De  Guzman ay pinalo rin sa ulo ng baril.

Nagpaputok pa sa ere ang suspect nang lumabas ng bahay ni Tolentino  at nang makita ang paparating na si Villa ay pinara ito at pinalo rin sa ulo.

Nahinto ang kaguluhan nang rumesponde na ang mga tauhan ng MPD-station 2.

Ayon kay P/Senior Insp. Ramon Meneses, deputy chief ng MPD-GAS,  hindi pa nila maaksyunan ang reklamo dahil hinihintay pa nilang i-forward ng MPD-station 2 ang incident report.

ALVIN TOLENTINIO

ARCHIE CRUZ

ARVIN CA

ASSIGNMENT SECTION

BAMBANG ST.

CAMP CRAME

SINABI

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with