Lolo itinumba sa loob ng bahay
MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 50-anyos na lolo nang pasukin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng tahanan nito at paulanan ng bala sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktimang si Jose Valenzuela, ng Martan St., Brgy. Commonwealth, QC, samantalang patuloy naman ang manhunt operation laban sa itinuturong suspek sa krimen na isang nagnagangalang Jun Jun.
Ayon sa ulat, naganap ang krimen ganap na alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar. Sinasabing natutulog na umano noon ang biktima ng pasukin ng suspek sa loob ng bahay nito. Sinabi ng ilang kapitbahay naulinigan na lamang nila na parang may nagtatalo sa loob ng bahay ng biktima at ilang saglit lang ay isang putok ng baril ang umalingawngaw bago natagpuang nakabulagta na ang biktima at wala ng buhay.
Wala umanong kasama sa bahay sa mga sandaling iyon ang biktima nang maganap ang krimen.
- Latest
- Trending
















