^

Metro

Kelot pisak sa 2 truck

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang kata­wan ng isang hindi pa naki­kilalang lalaki matapos itong mabangga ng dalawang dambuhalang truck kahapon ng ma­daling araw sa Caloocan City.

Inilarawan ang hindi pa nakikilalang bitkima na nasa pagitan ng edad na 30-35 anyos, nakasuot ng puting t-shirt na Adidas at nakamaong na pantalon. Isinugod pa ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit patay na rin bago pa man dumating dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad namang nadakip ng pulisya ang dalawang driver na sina Roy Mesa, 36, ng Camalig, Meycauayan, Bulacan at Nicanor Joaquin, 31, ng Sulucan, Angat, Bulacan. Kapwa nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng Caloocan Police-Traffic Management Section, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa may Circumferential (C-3) Road, malapit sa kanto ng Talakitok St., Kaunlaran Village, ng naturang lungsod.

Ayon kay Mesa, driver ng trailer truck (PUP-153) at Joaquin, driver naman ng Isuzu flatbed truck (CXF-914) na hindi umano nila napansin ang biktima at naramdaman na lamang na may nabangga sila nang may kumalabog. Sinabi naman ng ilang nakasaksi na tumatawid ang biktima nang hindi huminto ang mga trak at mabangga ito.

ADIDAS

ANGAT

BULACAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT SECTION

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAUNLARAN VILLAGE

NICANOR JOAQUIN

ROY MESA

TALAKITOK ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with