^

Metro

Dura-dura Gang umiskor sa Mandaluyong

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Aktibo na naman ang grupo ng “Dura-dura gang” makaraang umiskor at bumiktima ng isang empleyada sa Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagreklamo sa Mandaluyong City Police ay nakilalang si Milagros Alhambra, 35, residente ng Maharlika St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Ayon kay Alhambra, ganap na alas-4:00 ng hapon habang sakay siya ng isang pampasaherong jeep na tumatahak sa Acacia Lane sa Shaw Boulevard, Mandaluyong nang sinabihan umano siya ng isang lalaki na may dura sa sinasandalan niyang upuan.

Lingid sa kaalaman ni Alhambra ay nais lamang ng suspek na mabaling ang atensiyon nito sa iba para maisagawa ang pagdukot at pagnanakaw.

Anang biktima, mabilis ang kamay ng suspek, nabuksan kaagad ang siper ng kanyang bag at tinangay ang kanyang cellphone at wallet na may lamang 1,500 na pera at iba pang mga importanteng kagamitan.

Matapos maisakatuparan ng suspek ang kanyang pakay ay agad itong bumaba ng sasakyan at doon lamang nalaman ng biktima na natangay na ang kanyang cellphone at pitaka. (

vuukle comment

ACACIA LANE

AKTIBO

ANANG

AYON

BRGY

MAHARLIKA ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MILAGROS ALHAMBRA

SHAW BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with