^

Metro

SUV kinardyak sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang carjacking group matapos na isa na namang mamaha­ling Mitsubishi Montero ang inagaw ng mga ito sa isang lugar sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa ulat ng QCPD Station 9, tatlong armadong kalalakihan ang tumangay sa isang puting Mitsubishi Montero Sport (NCO-336) na dala ng isang Ismael delos Santos, 25.

Nangyari ang insidente ganap na alas-2:45 ng hapon sa kahabaan ng Esteban St., Brgy. Loyola Heights habang hini­hintay ni Delos Santos ang anak ng kanyang amo na susunduin niya sa isang paaralan dito.

Sinasabing mula sa likuran ay biglang sumulpot ang mga suspect at nilapitan ang biktima sabay tutok ng baril at dinala siya sa likod ng sasakyan at doon iginapos.

Sumunod nito ay sinakyan na ng mga suspect ang Mon­tero saka pinaharurot patungo sa Xavier Ville Subdivision, hanggang pagsapit sa Fema Road malapit sa Congressional Avenue at saka ibinaba ng mga una si Delos Santos.

Dito na nagpasya ang biktima na dumiretso sa malapit na himpilan ng pulisya para magreklamo.

BRGY

CONGRESSIONAL AVENUE

DELOS SANTOS

ESTEBAN ST.

FEMA ROAD

LOYOLA HEIGHTS

MITSUBISHI MONTERO

MITSUBISHI MONTERO SPORT

QUEZON CITY

XAVIER VILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with