^

Metro

Color coding sa mga bus binubusisi na ng LTFRB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinimulang busisiiin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang planong pagpapatupad sa color coding scheme sa mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa buong bansa.

Sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Manuel Iway, ang pag-aaral ay ginagawa ng ahensiya matapos irekomenda sa kanila ni DOTC Secretary Mar Roxas na pag-aralan ang pagpapa­tupad ng color coding sa mga bus upang maglaho na ang problema sa mga kolorum.

Kapag naipatupad anya ang color coding scheme sa lahat ng passenger buses nationwide, kulay dilaw ang magiging kulay ng mga bus sa Metro Manila at wala pang kulay na napagdedesisyunan sa mga lalawigan.

“Uunahin munang ayusin ng agency ang tungkol sa mga bus sa Metro Manila kaya ang kautusang ito ni Secretary Roxas ay puspusan namin ngayong tinututukan para mapag-aralang mabuti,” pahayag ni Iway.

Nilinaw ni Iway na hands- off sila sa programa ng MMDA na maipatupad ang color coded roffing epektibo Agosto 15 ng mga pampasaherong jeep sa Metro Manila dahil hahayaan na lamang nila dito ang ahensya.

AGOSTO

BOARD MEMBER ATTY

IWAY

KAPAG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MANUEL IWAY

METRO MANILA

SECRETARY MAR ROXAS

SECRETARY ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with