2 salvage victim natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang may mga tama ng bala at saksak sa ka­tawan sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang unang biktima sa edad na 35 hanggang 40, may taas na 5’3’’ at nakasuot ng itim na sando na may imprentang “Miami Heat” at brown na short pants at may tama ng bala sa dibdib at sugat sa leeg na indikasyong binigti. Natagpuan ito sa panulukan ng R-10 at Sandico St., Tondo, habang ang ikalawa ay inilarawan sa edad na 34-38, 5’4” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maitim, at nakasuot ng sky blue na sando at maong na pantalon na natagpuang nakabulagta sa Zaragosa St. at Road 10. May tatlong saksak ito sa dibdib at sugat na bakas ng tali na ipinangsakal sa leeg.

Show comments