^

Metro

Ex-PBA player timbog sa 'call-bypass scheme'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na naaktuhang nag-ooperate ng call-bypass facility o pagpapatakbo ng conversion faci­lity ng international calls sa local calls, na naging dahilan upang madaya ng milyong kita ang isang malaking tele­communication sa bansa.

Kinilala ni NBI-Technical Investigation Division (NBI-TID) Head Agent, Atty. Palmer Mallari ang suspect na si Rene Alforque, da­ting manlalaro ng Tanduay Rhum Masters at residente ng Radium­ St., San Andres Bukid, Maynila.

Ayon kay Mallari, naghain ng reklamo sa NBI noong nakalipas na buwan ang Globe Telecoms security director Ronal Uy hinggil sa iligal na operasyon ng suspect, na na­tukoy umano sa San Andres­ District. Nang isailalim sa ins­peksiyon ay natukoy ang call bypass scheme sa lugar na dahilan upang hindi pumasok sa kita ng kanilang kompanya ang international calls.

Sinabi ni Uy na noon pang taong 2009 nang magsimula ang iligal na ope­rasyon ni Alforque sa San Andres District.

Ang proseso ng na­sabing call-bypass scheme ay ang pag-block umano sa international calls bago pa ito uma­bot sa international gateway facilities ng telecoms com­pany. Ang dapat na inter­national calls ay naiko-convert sa local calls gamit ang sim boxes at modems at karaniwang may mga kasabwat nang telephone operators sa ibayong dagat ang nagpapatakbo nito. Sila ang naniningil sa mas murang call rates sa halip na ang telecommunications company na gamit.

Sinabi pa ni Uy sa NBI, nito lamang Mayo at Hunyo ng taong kasalukuyan, uma­bot na sa P5-milyon ang nawala sa kanila, sa ope­rasyon sa San Andres, lamang na kung susumahin umano mula noong taong 2009, umaabot na sa humigit-kumulang P100-milyon.

Bukod umano sa nawawalang kita ng nasabing kompanya, nalulugi rin ang gob­yerno sa iligal na ope­rasyon dahil nawawala ang dapat na buwis na ibabayad sa bawat kikitain sa inter­national calls.

Isang masusing surveillance ang isinagawa sa lugar na itinuturo sa reklamo at naging positibo ito para kumuha ng search warrant kay Manila RTC Branch 21 Executive Judge Amor Reyes ang NBI.

Kamakalawa nang sa­lakayin ang bahay ni Alforque.

Dinakip siya at kinum­piska rito ang ilang com­puters, modems at iba pang machines at gadgets sa nasabing iligal na ope­rasyon.

Umamin si Alforque sa NBI na nahimok siya ng Pakistani na naka-chat niya na magtayo ng conversion facility at pinadala umano sa kanya ang mga gamit.

Sinabi ni Alforque na nasa P30,000 ang kinikita niya kada-buwan. Nakatakdang isampa laban kay Alforque ang kasong pag­labag sa Republic Act 8792 o E-Commerce Law.

ALFORQUE

CALLS

E-COMMERCE LAW

EXECUTIVE JUDGE AMOR REYES

GLOBE TELECOMS

HEAD AGENT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN ANDRES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with