^

Metro

9 na oras walang tubig sa Sampaloc Maynila sa weekend

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Siyam na oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa bahagi ng Sampaloc Maynila mula alas-10 ng gabi ng Sabado hanggang alas-7 ng umaga ng araw ng Linggo dahil sa gagawing tubo ng tubig na may leak sa may 750-mm pipe sa kahabaan ng Maria Clara St. malapit sa A.H. Lacson sa Maynila.

Bunsod nito, apektado ng pagkawala ng tubig ang mga barangays 311, 315-325, 337-343, 349-352, 363, 462-472 at sa bahagi ng Lacson, España, A. Mendoza, Rizal Avenue, Tayuman, Felix Huertas at Old Antipolo-Algeciras gayundin sa Dima­salang, kasama na ang SM San Lazaro at UST sa Maynila.

Ayon sa Maynilad Waters, ang gagawing pagkumpuni sa sirang tubo ay para ma­iwasan ang pagkasayang ng tubig at mapasukan ng mikrobyo ang bahagi ng tubo nito na may leakage.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Maynilad ang mga residente sa mga apektadong lugar na ngayon pa lamang ay mag-ipon ng tubig para may magamit sa panahon ng pagkawala ng suplay ng tubig doon.

AYON

FELIX HUERTAS

LACSON

MARIA CLARA ST.

MAYNILA

MAYNILAD WATERS

OLD ANTIPOLO-ALGECIRAS

RIZAL AVENUE

SAMPALOC MAYNILA

SAN LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with