^

Metro

Trader utas sa ambush

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang Filipino-Chinese trader ang napatay nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang papalabas ng gate ng kanyang bahay kahapon ng umaga, sa Tondo, Maynila.

Isinugod pa sa Tondo General Hospital ang bik­timang si Frederick Mercado Pamillio, 51, supplier ng prutas at gulay sa Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport at residente ng Gamban St., Balut, Tondo, Maynila pero hindi na uma­bot nang buhay.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, posibleng hired killers­ ang dalawang suspect na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-7:40 ng umaga nang maganap ang in­sidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Isang helper ng biktima ang nagsabing binuksan pa niya ang gate nang lumabas ang amo na lulan ng kulay puti na Hyundai van (ZMS 743) nang lapitan ng mga suspect at paputukan at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaslang.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

BLANGKO

FREDERICK MERCADO

ISANG FILIPINO-CHINESE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIRLINES

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with