^

Metro

Mag-utol kinasuhan sa pagpatay sa staff ni VM Isko Moreno

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder sa Manila Pro­secutor’s Office ang magkapatid na isang pulis at jail officer na sinasabing responsable sa pamamaril at pamamaslang sa admi­nistrative staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno. Sina PO2 Geoffrey Borromeo ng Headquarters Support Unit ng National Capital Regional at JO1 Fredderick Borromeo, nakatalaga sa Manila City Jail at kapwa naninirahan sa Franco St. Tondo, Maynila ay kasalukuyang nakalalaya subalit positibong kinilala ng 16- anyos na anak ng biktimang si Jonathan Ignacio, 37. Kasabay nito, kinumpirma naman ni MCJ warden Sr. Supt. Ruel Rivera na tao niya si Fredderick kung kaya’t agad niya itong pinapuntahan sa nasabing address subalit bigo ang kanyang mga tauhan. Lumilitaw din sa salaysay ng anak ng biktima na nakaaway ng kapatid ni Ignacio na si Alexander ang kapatid ng mga Borromeo na si Sirdeniel. Nasapak ni Alexander si Sirdeniel sa mukha kung kaya’t nagsumbong ito sa mga kapatid. Dito ay hinanting nina Geoffrey­ at Fredderick si Alexander subalit nang hindi mahagilap ay si Jonathan ang pinaghigantihan.

FRANCO ST. TONDO

FREDDERICK

FREDDERICK BORROMEO

GEOFFREY BORROMEO

HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

JONATHAN IGNACIO

MANILA CITY JAIL

MANILA PRO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with